Bike around the world, tinapos ng Briton!

Paris, France – Kakaibang hashtag travel goals ang ipinakita ng isang British cyclist sa paglibot niya sa buong mundo gamit ang kanyang bisikleta sa loob lamang ng 78 na araw.

Natapos kasi kahapon ni Mark Beaumont ang kanyang kakaibang round-trip na sinimulan niya noong July 2 sa Paris.

Sinalubong ni Anna Orford ng Guinness world record si Mark sa finish line sa Arc De Triomphe sa Paris, France kasama ang pamilya at mga kaibigan nito.


Si Mark na ang opisyal na pinakaunang nag-circumnavigate o umikot sa buong mundo sa ilalim lang ng 80 araw gamit ang bisikleta.

Facebook Comments