Inihahanda narin ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang sariling vaccination plan sa oras na maging available na ang bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, kasalukuyan nilang binabalangkas ang plano kung saan mayroon ding priority list ng mga unit ng PNP na unang mababakunahan.
Pero hindi naman nabanggit ni Eleazar kung magiging mandatory o voluntary rin ang pagpapabakuna ng mga pulis.
Matatandaang inihayag ni Pangulong Duterte na batay sa vaccination plan ng gobyerno ay 5th priority ang AFP at PNP para sa pagpapabakuna.
Habang wala pang bakuna, ipinag-utos ni PNP Chief Police General Debold Sinas ang pagpapalawak ng COVID-19 testing ng PNP personnel para maagapan at ma-quarantine agad ang mga magpopositibo sa virus.