Dalawang lalaki, arestado dahil sa pagnanakaw ng cellphone at sapatos sa Pasay City

49

Nahuli ng mga tauhan ng Pasay City Police Station ang dalawang magnanakaw sa Brgy. 184, Maricaban, Pasay City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD) ang mga naarestong mga magnanakaw ay sina Arvin Aguirre, 26-anyos at Angelo Baldiray.


Sila ay inireklamo ng isang Argie Tepace, 34-anyos matapos na maabutang nasa loob ng kanilang bahay at ninakaw ang dalawang cellphone at isang pares ng sapatos.

Agad na nagsumbong sa barangay tanod at pulisya ang biktima kaya naaresto ang mga ito.

Sa ngayon, nahaharap na sila sa kasong pagnanakaw.

Facebook Comments