Magsasaka, Patay matapos Bumangga ang Kolong-kolong sa Truck

13
Cauayan City, Isabela-Patay ang isang magsasaka matapos bumangga ang minamaneho nitong kolong-kolong sa Brgy. Salvacion, Luna, Apayao kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Lawrence Malag Duran,21-anyos at residente ng Pudtol, Apayao.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad, binabagtas ng kolong-kolong ang pakurbang daan ng bilang umagaw umano ng linya dahilan para bumangga sa isang puting dump truck.

Dead on the spot naman ang tsuper ng kolong-kolong habang maswerte namang ligtas ang mga sakay ng truck habang sumuko naman sa PNP ang nagmamaneho ng truck.

Facebook Comments