Dahil sa pabagsik na pabagsik ang variant ng COVID-19 sa mga nakalipas na buwan kaya dapat lang na mas maging maingat.
Ito ang paaalala ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa publiko sa gitna ng bagong Lambda variant ng COVID-19 na nadiskubre sa ibang bansa.
Ayon kay PNP Chief, sa panahon ngayon, kailangan ng mas maigting na kooperasyon ng publiko sa health protocol lalo pa’t ikinokonsidera ang Lambda variant na “variant of interest” ng World Health Organization (WHO).
Inihahanlintulad din ito sa Delta variant pagdating sa pagiging delikado at bilis makahawa.
Para kay Eleazar, mabisang panangalang sa virus ang pagsusuot ng face masks, face shield at pagsunod sa social distancing.
Habang, hinikayat din niya ang publiko na magpabakuna na para magkaroon ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.