Nagpatupad muli ng balasahan sa hanay ng Philippine National Police (PNP), siyam na araw bago magretiro sa serbisyo si PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar.
Kabilang sa mga isinailalim sa re-assignment sina PBGen. Alexander Tagum, mula sa Highway Patrol Group ay inilipat bilang Regional Director ng Police Regional Office 12 o SOCCSKSARGEN.
Papalit naman kay Tagum sa HPG si PBGen. Gregory Bogñalbal, habang malilipat naman sa Directorate for Intellegence si PBGen. Michael John Dubria, mula sa PNP Region 12.
Habang mula sa Directorate for Controllership ay malilipat naman sa Office of the Chief PNP si PCol. Neri Vincent Ignacio.
Inilabas ni Chief of the Directorial Staff PLt. General Dionardo Carlos, na isa sa pinagpipiliang maging susunod na PNP Chief, ang kautusan kahapon, November 3 at epektibo bukas, November 5.