Hinigpitan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang kaniyang paulit-ulit na paalala sa kaniyang mga tauhan na magpabakuna na kontra COVID-19 matapos na masawi ang apat pang pulis dahil sa virus.
Aniya tatlo sa apat na panibagong pulis ang nasawi sa COVID-19 dahil hindi bakunado ang mga ito, habang ang isang ay nakatanggap na ng first dose.
Sinabi ni Eleazar na sa ngayon ay may kabuuang 81,125 o 36.51% na mga PNP personnel ang fully vaccinated habang 95,345 or 42.92% naman ang naghihintay ng kanilang second dose.
Mayroon namang 45,700 o 20.57% police personnel ang hindi pa nababakunahan.
Bukod sa panawagang ito, mahigpit din ang paalala ni Eleazar na palaging sundin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, pati na rin ang paghugas ng kamay.