Nagpalabas na ng subpoena si Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar laban sa suspek sa ilegal na pagbebenta ng COVID-19 vaccine.
Ayon sa PNP Chief, nagtatago na ngayon ang suspek at nagdeactivate na ng lahat ng kanyang social media account.
Sa ngayon, tinutugis na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Anti-cybercrime group ang suspek na nag-alok umano ng slots para sa vaccination program ng dalawang Local Government Unit (LGU), sa pamamagitan ng messaging app.
Sinabi ni Eleazar, gagamitin niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan para mapanagot ang suspek.
Batay sa Republic Act 10973 binibigyan ng kapangyarihan na mag-isyu ng subpoena ang PNP Chief at ang Deputy Director for Administration ng Criminal Investigation Group (CIDG).