Friday, March 13, 2026

PNP, nagbabala sa mga kumakalat na AI-generated videos sa social media patungkol sa diumano’y pulis na may di kanais-nais na pag-uugali

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa nga kumakalat na AI-generated videos sa social media patungkol sa diumano’y pulis na may di kanais-nais na pag-uugali.

Ayon sa PNP, ang nasabing video ay hindi totoong pangyayari at gawa-gawa lamang.

Dahil dito ay hinimok ng Pambansang Pulisya ang publiko na maging mapanuri sa mga kumakalat online.

Inanyayahan din ng PNP ang publiko na i-mass report ang nasabing mapanirang videos para maiwasan ang pagkalat ng fake news sa social media.

Facebook Comments