PNP, nagbabala sa mga nagbabalak manghimasok sa hazing case ni John Matthew Salilig

Hindi papayagan ng Philippine National Police (PNP) ang sinumang grupo o indibidwal, kahit ano pa man ang estado nito sa buhay na manghimasok o mangialam sa kaso ng hazing victim na si John Matthew Salilig.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at nangakong igagawad ang hustisya sa biktima at sa naulilang pamilya nito.

Tinitiyak din ni Azurin ang integridad ng prosekusyon na siyang humahawak sa kaso ni Salilig at positibong mapapanagot ang mga may sala sa pagkamatay ng biktima.


Nagbigay na rin ito ng direktiba sa lahat ng units ng PNP na tumulong sa imbestigasyon nang sa ganon ay mabilis na maresolba ang kaso.

Una nang nagpaabot ng taos pusong pakikiramay ang liderato ng PNP sa naulilang pamilya ni John Matthew Salilig na namatay sa kamay ng Tau Gamma Phi dahil sa hazing.

Facebook Comments