Kaugnay ng nalalapit na Kapaskuhan, muling nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko laban sa mga pekeng peso bill.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, karaniwang modus ito ng mga kawatan ngayong Pasko.
Paliwanag ni Fajardo, maaaring makulong ang sinumang mahuhuling gumagamit ng pekeng pera sa anumang transaksyon.
Payo nito sa publiko na agad idulog sa pinakamalapit na police station kung kayo man ay nabiktima o napasahan ng pekeng pera para agad magawan ng kaukulang aksyon at mahuli ang nasa likod nito.
Paalala pa ng PNP sa publiko na suriing mabuti ang safety features ng mga perang papel kabilang na ang watermark at serial number.
Facebook Comments