PNP, nagbayad ng 6.1 bilyong pisong income taxes para sa taong 2020

Photo Courtesy: PNP Facebook Page

Inihayag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na nagbayad sila ng aabot sa mahigit na 6.1 bilyong pisong income taxes sa gobyerno para sa buong taon ng 2020.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas, ang bilyong halagang income taxes na kanilang ibinayad sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nagre-represent sa individual income taxes ng 224,189 uniformed at non-uniformed personnel ng PNP.

Sinabi ni Sinas, lahat ng tauhan ng PNP ay nagbabayad ng kanilang annual tax obligations para madagdagan ang pondo ng gobyerno sa mga healthcare services, public education, infrastructure development, food security, social services at defense.


Paliwanag ni Sinas ang individual income taxes ng mga pulis ay otomatikong ibinabawas kada buwan sa kanilang buwanang sweldo.

Bawat individual PNP tax payer ay nagbabayad ng average ₱27,245 income taxes sa loob ng isang taon.

Facebook Comments