Sama-samang sumaludo at nagbigay pugay sa watawat ng bansa ang Philippine National Police (PNP) ngayong National Flag Day.
Sa seremonya nag-alay rin ng dasal at nanumpa ng katapatan sa watawat ang mga pulis na nagtipon-tipon sa Crame.
Sa mensahe ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na binasa ni PNP Deputy Chief for Operations Lt. General Archie Gamboa, sinabi nitong ang watawat ay sumisimbolo sa katatagan ng bansa at sa kalayan na tinamasa ng mga Filipino mula sa mga mananakop.
Sumisimbolo rin ito ng mga sakripisyo ng mga bayani na nagbuwis ng buhay.
Kaugnay nito, naglagay na rin ng mga watawat ng Pilipinas ang PNP sa palibot ng kampo.
Ang deklarasyon ng National Flag Day ay nakabase sa Republic Act 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines.
15 araw ang paggunita nito na magsisimula ngayong May 28 at tatagal hanggang sa Araw ng Kalayaan sa June 12.