PNP, naghahanda na sa inagurasyon ng bagong presidente at bise presidente

Nakikipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) sa kampo ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., 0.at presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio para sa kanilang napipintong inagurasyon.

Ayon kay PNP Director for Operations Maj. Gen. Valeriano de Leon, inaasahan tna maraming dadalo sa inagurasyon ng dalawang opisyal kaya gusto ni PNP Officer-in-Charge P/Lt. Gen. Vicente Danao na masigurong mapayapa at maayos ang pagdaraos ng aktibidad.

Ayon kay De Leon, pinagpaplanuhan nila ang magkahiwalay na pagdaraos ng inagurasyon.


Una nang sinabi ni Sara Duterte na balak niyang isagawa sa June 19 ang kanyang inagurasyon para may panahon siya na makasama ang kanyang ama sa pagbaba sa pwesto bilang pangulo sa June 30.

Habang si Bongbong Marcos naman ay inaasahang pormal na manunumpa bilang susunod na pangulo sa tanghali ng June 30, batay sa nakasaad sa konstitusyon.

Siniguro naman ni De Leon na nakabantay ang PNP para matiyak ang maayos na paglilipat ng kapangyarihan sa susunod na administrasyon.

Facebook Comments