Hihintayin muna ng Philippine National Police (PNP) ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa posibleng pagpapatupad ng “No booster shot, No entry” sa mga establisyimento.
Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, hangga’t walang desisyon ang IATF ay susundin lang nilang paiiralin ang mga local executive order na nag-oobliga ng vaccine card sa pagpasok sa mga establisyimento.
Aniya, mananatili ang protocol na ito hangga’t walang pagbabago depende sa COVID alert Level status.
Sa panig aniya ng PNP, 40 porsyento na ng kanilang mga tauhan ang nakatanggap ng booster shot.
Hinikayat naman ng PNP Chief ang iba pang mga tauhan ng PNP na magpa-booster shot na dahil palagi silang nakikisalamuha sa publiko sa pagganap ng kanilang tungkulin.
Facebook Comments