Patuloy na naghihintay ang Philippine National Police (PNP) ng panibagong batch ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Adminstration Police Major General Joselito Vera Cruz, hanggang ngayon kasi ay wala pa silang bakuna para sa kanilang A4.
Matatandaang 28,000 dose ng bakuna ang nakalaan para sa mga pulis sa Metro Manila.
Oras na dumating ito, agad itong ituturok sa mga nasa A4 category sa PNP.
Batay sa datos, 26,144 na ang mga pulis na nabakunahan laban sa COVID-19 kung saan 12,232 pa lang ang nakakakumpleto ng second dose.
Nagpapatuloy naman ang paghikayat ng PNP sa mga pulis na huwag maging mapili sa bakuna at kung may pagkakataon sila na magpabakuna sa kani-kanilang Local Government Unit (LGU) ay samantalahin na ito.
Facebook Comments