Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay, 43 na lang

Kinumpirma ng Pasay City Health Office na mula sa 522 COVID-19 active cases sa Pasay City, umaabot na lamang ito ngayon sa 43.

Ito ay mula sa kabuuang 14,468 kaso sa lungsod.

Sa nasabing total cases, 14,036 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.


Habang 389 naman ang kabuuang binawian ng buhay.

Sa ngayon, ang positivity rate sa Pasay ay 12.72% na lamang .

Ang total ng barangays naman na may active cases ay 26 o 19%.

Ang total barangays naman na nasa ilalim ng Local Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay 45 o 22% , na katumbas ng 20 mga bahay.

Patuloy naman ang ginagawang contact tracing ng Pasay Local Government Unit (LGU) para maiwasang maulit ang pag-spike ng kaso ng infection sa lungsod.

Facebook Comments