PNP, nagpaalala sa mga pulis na bawal mag-solicit ngayong panahon ng Kapaskuhan

Kasunod nang nalalapit na panahon ng Kapaskuhan, nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga tauhan na bawal tumanggap ng anumang regalo at mag-solicit.

Ayon kay PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr., matagal na itong ipinagbabawal sa lahat ng mga kawani ng PNP dahil mahigpit ang pagpapatupad ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees alinsunod na rin sa mandato ng Civil Service Commission (CSC).

Paalala ni Azurin sa sinumang mahuhuling tatanggap ng regalo at magso-solicit ay may kakaharaping administrative at criminal charges.


Sinabi pa nito na kahit ano pa mang rason o ito man ay for a cause ay wag na nilang tangkain pang mag-solicit at tumanggap ng regalo dahil dinoble na nga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang sweldo ng mga pulis.

Facebook Comments