General Bantag, nanindigang hindi susuko

Nanindigan si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag na hindi siya susuko kaugnay ng pagkakadawit niya sa Percy Lapid killing.

Ayon kay Bantag, hanggat nasa pwesto si Justice Sec. Crispin Remulla ay hindi siya susuko kahit pa lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya.

Sinabi ni Bantag na si Remulla ay isang magaling na pulitiko na mahusay mag-manipulate tulad ng ginagawa nito sa kaniya.


Iginiit din ni Bantag na lahat ng sindikato sa loob ng New Bilibid Prison ay galit sa kaniya.

Aniya, maging ang nagdidiin sa kaniyang inmate na si Denver Mayores ay may galit din sa kaniya dahil pinatapon niya ito sa Iwahig Penal Colony sa Palawan.

Sa kabila nito, tiniyak ni Bantag na makikipag-cooperate siya sa imbestigasyon sa Percy Lapid killing.

Facebook Comments