PNP nagpaalala sa mga regional police offices na muling i-deploy ang kanilang mga tourist police 

Pinapaalalahanan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga regional directors at provincial directors na muling reactivate o i-deploy ang kanilang mga tourist oriented police.

Ito ay kasunod ng mga insidente ng panggagahasa sa mga babaeng banyaga sa ilang beach resort sa bansa lalo na sa may bahagi ng rehiyon ng Mimaropa.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendnet Bernard Banac, ang mga tourist police ang nagbabantay sa mga tourist destination upang paigtingin ang kanilang presensya at pagpapatrolya nang sa ganun mapigilan ang anumang pagtatangkang krimen sa mga tourist site at destinations.


Huling naitalang insidente ng tangkang panghahalay sa isang babaeng banyaga ay sa Barangay Masagana El Nido Palawan.

Batay sa ulat ng PNP Mimaropa isang 30 taong gulang na Spanish national nagreklamo ng attempted rape sa El Nido Municipal Station laban sa isang suspek na si Melencio Tamon Cahilig 43-anyos residente ng Narra Palawan at nagtatrabaho sa El Nido Palawan.

Facebook Comments