Manila, Philippines – Magpapatupad ng suspension ng Permit to carry firearms outside residence o PTCFOR ang Philippine National Police kaugnay sa gaganaping ASEAN Summit sa bansa ngayong buwan.
Ayon kay PNP Firearms and Explosive Office Chief, Police Chief Supt Valeriano De Leon aprobado ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang gun ban na epektibo mula November 1 hanggang November 15.
Ibig sabihin nito lahat ng nagmamay-ari ng baril kahit may PTCFOR ay hindi nila maaring bitbitin sa nasabing mga petsa.
Exempted sa gunban ang lahat ng mga opisyal at miyembro ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na naka-uniporme at ang mga pulis at sundalo na sa mission.
Mahaharap sa kasong illegal possesion of firearms ang lahat ng lalabag sa gun ban.