Asahan na ang matinding trapiko sa lungsod ng Maynila kasunod ng isinagawang dry run ng Philippine National Police (PNP) para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa June 30.
Pansamantala kasing isinara ang Padre Burgos Avenue mula Taft Avenue hanggang Roxas Boulevard.
Gayundin ang Finance Road mula P. Burgos hanggang Taft Avenue.
Nakasara din ang kahabaan ng Maria Orosa Street mula P. Burgos hanggang TM Kalaw Avenue.
Isinara din ang General Luna Street mula P. Burgos hanggang Muralla Street at ang Victoria Street mula Taft Avenue hanggang Muralla Street.
Sarado rin ang kahabaan ng Ayala Boulevard mula General Solano Street hanggang Taft Avenue.
Paliwanag ni National Capital Region Police office (NCRPO) Spokesperson Lt. Gen. Jenny Tecson na layon ng isinasagawang dry run na maging maayos ang takbo ng inagurasyon sa June 30.