Senator Pia Cayetano, wala pang desisyon kung aanib siya sa mayorya o minorya

57

Pinag-iisipan pang mabuti ni Senator Pia Cayetano kung siya ay sasama sa minority bloc o majority bloc sa Senado sa ilalim ng 19th Congress.

Sabi ni Cayetano, hindi pa rin niya nakakausap nang masinsinan ang kaniyang kapatid na si Senator-elect Alan Peter Cayetano hinggil dito.

Plano ni Senator Pia na makipagpulong din muna kay Senator Koko Pimentel na una nang nagsabi na sasama sa Senate minority bloc.


Sabi ni Cayetano, mahaba pa naman ang panahon nila para planuhin ito at pag-isipang mabuti dahil sa mga uupo sa 19th Congress ay siya ang pangalawa sa pinaka-senior base sa haba ng panahon na naging senador.

Sabi ni Cayetano, pangunahin niyang isasaalang-alang sa pagdedesiyon ay kung ano ba ang papel na dapat niyang gampanan kung saan higit niyang mapaglilingkuran ang mamamayang Pilipino.

Facebook Comments