Bilang pagtuligsa sa patuloy na paghahasik ng karahasan ng mga komunista isang rally ang isinagawa ng mga pulis sa transformation oval sa Camp Crame ngayong umaga.
Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng mga komunista ng kanilang ika-51 anibersaryo.
Ayon kay Lt. Col. Oliver Tanseco, Operations management division chief ng HPG, nasa 200 HPG riders mula sa NCR, Central Luzon at Calabarzon ang kalahok sa indignation rally.
Hinati sila sa dalawa team, isa ang tutumbok pa north at tatahak ng daan pa Liwasang Bonifacio at Monumento Circle at isa naman south, na tutumbok sa Baclaran at EDSA Shrine.
Magtatagpo ang dalawang team sa UP Diliman pagkatapos mag-ikot.
Kasama rin sa indignation rally ang 200 reserve force na maaga pa lang ay nagtipon na sa harap ng National Headquarters sa Camp Crame.
Ang pagtitipon sa Camp Crame ay bilang pagsuporta sa mga hakbang ng pamahalaan na wakasan na ang Local Communist Armed Conflict (ELCAC).
Magugunitang noong Disyembre ng nakaraang taon, inilabas ng Pangulo ang Executive Order 70 na nagtatakda ng Whole of Nation Approach para matapos na ang 50 taong panggugulo ng kilusang komunista.