Ilang programang napasimulan ng LTO, tiyak umano na maipagpapatuloy sa susunod na administrasyon

125

Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Usec. for Road Mark Pastor na maipagpapatuloy sa susunod na administrasyon ang mga mahahalagang proyekto na nasimulan sa road sector.

Kabilang dito ang EDSA Greenways Project, Cebu Bus Rapid Transit, Davao High Priority Bus Sytem, at EDSA Busway.

Ibinida ng DOTr at Land Transportation Office (LTO) ang kanilang bago at modernong Road Safety Interactive Center sa LTO Main Central Office sa Quezon City.


Ayon sa LTO, layon nitong makapagbigay ng mas malawak na impormasyon para maipaunawa sa publiko ang mga ligtas na paraan ng pagmamaneho.

Makikita sa loob ng interactive center ang mga driving simulators na mala-video arcade ang kagamitan kung saan maaaring mag-ensayo sa pagmamaneho ng motorsiklo at kotse na manual at automatic gamit ang virtual reality.

Mayroon din itong trivia games para mapaunlad ang kaalaman sa road safety, at 4D mini theater na nagpapalabas ng informative videos.



Facebook Comments