
Nagsasagawa na ng cross-matching ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng koneksyon ng ilegal na operasyon ng langis sa Laguna at Navotas City.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., sinisilip na nila kung iisa lang ang pinagkukunan ng recycled oil, kung saan ito ibinibenta at kung may ugnayan ito sa organized pilferage groups.
Nabatid na ang bagong nadiskubre ng mga awtoridad na oil pilferage o “paihi” sa isang resort sa Laguna ay nagresulta sa pagkakaaresto ng anim na indibdwal.
Kung saan ayon sa PNP ay maaari itong magbigay ng crucial leads kung ang nasabing small-scale oil pilferage activities ay posibleng konektado sa mas malaking network.
Matatandaan rin na nauna pa rito ay 9 na indibdwal din ang naaresto kung saan narekober ang isang fuel tanker at cargo vessel na may kargang nasa 65,000 liters na diesel na tinatayang nagkakahalaga ng 9.75 million pesos at iba pang mga kagamitan.
Kaugnay nito, hinimok naman ni Nartatez ang publiko na tulungan ang mga awtoridad na mag-monitor sakaling makapansin ng kahina-hinalang aktibidad na may kinalaman sa langis.










