PNP, nagsimula ng crackdown laban sa mga illegal na nagbebenta ng gamot kontra COVID-19

Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang crackdown laban sa grupo o sindikatong na sinasamantala ang sitwasyon ngayong pandemya.

Ito’y kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP na arestuhin ang mga negosyanteng nananamantala at ilegal na nag-iimbak ng mga gamot kontra COVID-19 at sa iba pang sakit.

Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, lubhang mapanganib ang pagbebenta ng mga gamot sa labas ng mga lehitimong botika.


Aniya, mainam na sundin ang apela ng Food and Drug Administration (FDA) na sa mga lehitimong botika lang bumili ng mga gamot.

Tiniyak naman ni Carlos na iimbestigahan na nila kung paano nakukumbinsi ng mga kawatan ang publiko na makabili sa kanila ng mga produkto o gamot na hindi pa subok at ilegal ang operasyon.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa iba pang ahensya ng pamahalaan sa kung gaano kalaki o kalawak ang operasyon ng mga kawatan.

Facebook Comments