PNP nagtalaga na ng pang 4 na mataas na posisyon sa PNP

Nagtalaga na ang Philippine National Police (PNP) nang pang apat na mataas na posisyon sa kanilang hanay o itong The Chief Directorial Staff o TCDS.

Ito ay si Police Major General Cesar Hawthorne Binag mula sa Directorate for Information, Communication and Technology Management o DICTM.

Si Binag ay miyembro ng PMA Class 1987.


Sya ang magpapatupad ng mga programa na gusto nang kasalukuyang PNP chief na si PNP Chief General Achie Francisco Gamboa.

Papalit kay Binag sa DICTM si Police Brig. Gen. Dionardo Carlos na acting director ng PNP Highway Patrol Group o HPG.

Ibabalik naman sa HPG si Police Brig. Gen. Eliseo Dela Cruz na mula sa CIDG.

Si Police Col. Rhoderick Armamento naman ay  ililipat sa CIDG na mula sa PRO 3 o Central Luzon.

Habang si Police Col. David Peredo Jr. ang papalit sa kaniya sa PRO3 Mula sa Cordillera Police Regional Office.

Ang palitan ng pwesto ay epektibo kahapon January 22, 2020.

Facebook Comments