PNP Naguilian, Pinaghahandaan na ang Barangay Election!

Naguilian, Isabela – Pinaghahandaan na ng PNP Naguilian ang ilalatag na seguridad sa darating na halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Francisco Dayag, Acting Chief of Police ng PNP Naguilian sa RMN Cauayan News Team, kanyang sinabi na isang daang porsyento umano ang kanilang kahandaan upang pangasiwaan ang pagbabantay sa kaayusan at seguridad sa darating na halalan 2018.

Aniya isa umano sa kanilang magiging hakbang upang masigurado ang seguridad sa kanilang bayan ay ang pakikipagkaisa sa isasagawang malawakang check point kung saan ay magtatalaga sila ng anim hanggang walong kapulisan sa bawat lugar ng check point.


Isa umano itong paraan upang makasiguro na hindi maulit ang mga kadalasang nangyayari sa mga nakaraang taon ng elction na may mga taong nakakapagdala ng baril.

Samantala, pinaghahandaan na din ngayon ng kapulisan ng Naguilian ang pakikipagkaisa sa pagbabantay sa Filing of candidacy ng mga tatakbo sa halalan.

Tiniyak din ni PSI Dayag na magiging alerto ang PNP Naguilian sa mga hindi inaasahang pangyayari hanggang matapos ang halalan 2018.

Facebook Comments