Nagpaalala si PMaj. Junneil Perez, hepe ng Naguilian Police Station sa mga motorista na sundin ang mga batas trapiko para iwas sa aksidente.
Kasunod ito sa nangyaring vehicular accident kamakailan sa naturang bayan kung saan ay nabangga ng isang tricycle ang isang 78-taong gulang na lola sa National Highway ng Barangay Surcoc, Naguilian, Isabela.
Sa ating panayam kay PMaj. Perez, madalas ang nangyayaring aksidente sa lansangan sa kanyang nasasakupan at katunayan aniya ay nakakapagtala ang kanyang himpilan ng dalawang kaso ng aksidente sa lansangan araw-araw.
Kaugnay nito ay nagpaalala sa publiko si PMaj. Perez sa mga byahero na gamitin ng tama ang kalsada.
Dagdag nito, ang mga mababagal na sasakyan katulad ng motorsiklo, tricycle, kuliglig, at farm machineries, ay dapat dumaan sa outer lane lamang upang makaiwas sa mga hindi inaasahang aksidente.
Facebook Comments