PNP, naka full alert status para sa malawakang kilos protesta sa September 21

Manila, Philippines – Nasa full alert status na ang PNP para sa ikinakasang malawakang kilos protesta ng iba’t-ibang grupo sa Huwebes, Setyembre a-bente uno.

Ayon kay PNP Spokesman Chief. Supt Dionardo Carlos, pagaganahin ng Manila Police District ang kanilang Task Force Manila Shield.

Sa Luneta kasi inaasahan ang isa sa mga malalaking pagtitipon ng mga kontra sa martial law at ng mga kritiko din ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Aniya, maximum tolerance ang paiiralin ng mga pulis sa Sept. 21 pero hindi kukunsinitihan ang mga magpoprotestang lalabag sa batas.

Apela naman ng PNP sa mga ralliyista na sumunod lang sa batas para walang maging aberya.

Facebook Comments