P-Duterte, inaming minali ang account number ni Sen. Antonio Trillanes sa isang bangko sa Singapore

Manila, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinadya niyang maliin ang ibinigay niyang account number ni Senador Antonio Trillanes IV sa DBS bank sa Singapore.

Ayon sa pangulo sa live interview sa PTV 4, gawa-gawa lang niya ang binanggit niya sa publiko na account number dahil nais niyang huluhin ito.

Aniya, mali rin ang account number na nakasaad sa pinirmahang waivers ni Trillanes.


Sinabi pa ni Duterte na ang tunay na account number ay, “1-1-7-8-0-0-0-2-8-1-6-0-2.”

Iginiit pa ng pangulo na walang bangko na papayag na ilabas ang detalye ng bank account ng kanilang kliyente.

Hindi rin aniya mabubuksan ang bank account kahit may waiver kung walang pirma ang kasama nito sa account.

Facebook Comments