
Itinaas na ng Philippine National Police (PNP) ang alert status nito para sa Holy Week 2026.
Epektibo ang nasabing pagtataas sa lahat ng unit at opisina ng PNP simula 12:01 ng umaga ng March 29 hanggang April 6 ng kaparehong oras.
Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuańo, na nananatiling nasa higit 59 libong pulis at force multipliers ang ide-deploy para sa Mahal na Araw.
Tatao ang mga nasabing police personnel sa mga pangunahing simbahan, pantalan, paliparan, transport hubs at sa mga matataong lugar.
Kaugnay nito, iniutos ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga pulis ang maigting na presensya sa ground, paglalagay ng mga assistance desk para sa mga byahero at pagpapalakas ng koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan.










