Manila, Philippines – Inilagay na ng Philippine National Police sa full-alert status ang kanilang hanay para sa gaganaping ASEAN summit na magsisimula na bukas.
Ayon kay Dela Rosa – ipinag-utos na niya ang regular na pag audit sa mga tauhan para matiyak na may sapat na tauhan na maaaring ideploy kung kinakailangan para sa ASEAN Summit.
Kailangan aniyang maging handa sa anumang mangyayari lalo’t itinuturing na isang major event ang ASEAN Summit.
Higit 27,000 PNP personnel na ang ipinakalat sa iba’t ibang task group at idineploy sa close-in VIP security para sa mga delegado, magbabantay sa route security at airport, sa tutuluyan ng delegado at pagdadausan ng event.
Una nang sinabi ni Dela Rosa na sakaling may mangyaring hindi maganda sa kasagsagan ng ASEAN Summit, ipapakalbo niya ang lahat ng mga naka-deploy na pulis.