Manila, Philippines – Kahit walang namo-monitor na bantang terorismo, ayaw pa rin pakampante ng Philippine National Police.
Sa interview ng RMN kay NCRPO Chief. Dir. Oscar Albayale –sinabi nito na malaki kasi ang posibilidad ng banta ng terorismo sa bansakasunod ng pagkakahuli sa mag-asawang syrian national na umanoy miyembro ng ISISsa Taguig City kahapon.
Bukod pa rito aniya ang pagkaka-aresto kamakailan sailang miyembro ng Maute group na kilala ring sympathizer ng teroristang ISIS.
Kaya naman ngayong papasok na semana santa, sinabi ni Albayaldena mag-magpapakalat ang NCRPO ng mahigit 12,000 pulis na magbabantay sa mgapantalan, paliparan at matataong lugar sa NCR.
Bagamat walang ipapatupad ng check point, magkakaroonnaman aniya ng “oplan sita” para matiyak ang seguridad ng publiko.
Agad naman na pinawi ni Armed Forces of the PhilippinesSpokesman Lt. Col Restituto Padilla angpangamba ng publiko kaugnay sa banta ng terorismo.
Ang sunurang tinig nina NCRPO Chief. Dir. Oscar Albayale atAFP Spokesman Lt. Col. Restituto Padilla sa interview ng RMN.
PNP – nakaalerto ngayong Semana Santa kaugnay sa posibilidad ng banta ng terorismo kasunod ng pagkakaaresto sa mag-asawang Syrian national na umanoy miyembro ng ISIS
Facebook Comments