Tuesday, March 10, 2026

PNP, nakaalerto sa posibleng kilos-protesta kasabay ng unang anibersaryo ng pagaresto kay FPRRD

Nakaalerto na ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng kilos-protesta sa Marso 11, kasabay ng unang taon mula nang inaresto, inilipat, at dinitaine si Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., nakapag-monitor ang PNP ng ilang mga posts na nananawagan ng isang malawakang motorcade rally.

Kung saan ayon sa ulat ang planong ruta ay dadaan sa kahabaan ng EDSA at magtatapos sa Villamor Airbase bilang pagalala sa unang anibersaryo ng pagdala ng dating pangulo sa international custody para harapin ang mga kasong may kaugnayan sa crimes against humanity.

Kaugnay nito,inatasan na rin ni Nartatez ang kapulisan na dagdagan ang deployment sa nasabing area pati na rin sa Davao City na syang balwarte ng dating Pangulong Duterte.

Habang pinapaalala ni Nartatez ang mahigpit na pagpapatupad ng maximum tolerance at pagkilos ng naaayon sa batas sa mga PNP personnel.

Pati na rin sa mga magpoprotesta na pairalin ang disiplina at sundin ang mga abiso ng awtoridad para maiwasan ang girian.

Facebook Comments