PNP, nakahanda sa mga posibleng pag-atake ng NPA

Pinaigting na ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad para sa posibleng pag-atake ng rebeldeng New People’s Army (NPA).

Ito ay matapos permanenteng tinapos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan sa communist insurgents.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Bernard Banac – naka-alerto na ang mga police commanders dahil inaasahang maglulunsad ng pag-atake ang mga rebelde.


Maliban sa NPA, nakatutok din ang PNP sa iba pang terror groups gaya ng Abu Sayyaf.

Facebook Comments