Paggamit ng mobile numbers sa pangangampanya, pwede – Comelec

Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na pinapayagan ang pangangampanya sa pamamagitan ng mobile numbers.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – hindi ipinagbabawal ang paggamit ng text message sa pangangampanya.

Pero iginiit ni Jimenez na maaaring pumasok ito sa anti-spamming regulations ng National Telecommunications Commission (NTC).


Bukod sa text messages, una nang sinabi ng poll body na walang batas na nagbabawal mangampanya sa social media.

Facebook Comments