PNP, nakahandang umalalay sa mga maapektuhan ng malawakang tigil-pasada sa Lunes

Handa muling umalalay ang Philippine National Police (PNP) sa mga mananakay na maaapektuhan sa ikakasang malawakang tigil-pasada ng grupong MANIBELA at PISTON simula sa araw ng Lunes.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, handa nilang ipagamit ang patrol vehicles ng PNP para sa libreng sakay ng mga maaapektuhang commuters.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang Pambansang Pulisya sa transport groups para mabigyan ang mga ito ng proteksyon at matukoy ang mga lugar na pagdarausan ng protesta upang hindi makaabala sa daloy ng trapiko.


Kasunod nito, binigyang diin ni Fajardo na paiiralin pa rin ng pulisya ang maximum tolerance sa mga makikilahok sa transport strike.

Ang tigil-pasada ay dahil sa naka-ambang April 30 franchise consolidation deadline sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program ng pamahalaan.

Facebook Comments