PNP, nakakumpiska ng mahigit 150 milyong pisong halaga ng iligal na droga sa loob ng 26 na araw 

Kabuuang 151.5 milyong pisong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng 26 na araw.  

Ayon kay PNP Chief Police General Camilo Cascolan, mula September 2 hanggang 27, 2020 mayroong 3,413 anti-illegal drugs operations na naisagawa ang PNP kung saan 4,354 drug offenders ang kanilang naaresto. 

Nasamsam nila sa mga operasyong ito ang 22.04 kilo ng shabu at 13.7 kilo ng marijuana.  


Nito lamang nakarang Sabado, sinira ng PNP Cordillera ang tatlong marijuana farms sa Bugnay, Tinglayan at Kalinga na mayroong 19,200 fully grown marijuana na nagkakahalaga ng 3.84 milyong piso. 

Sinabi ni Cascolan na malaki ang naibawas ng mga droga na ito sa komunidad na nagdudulot ng hindi maganda sa kaisipan at kalusugan ng tao. 

Facebook Comments