PNP, nakapag-aresto ng panibagong 11 indibidwal dahil sa paglabag sa Comelec gun ban

Patuloy ang panawagan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko lalo na sa mga nagmamay-ari ng baril na sundin ang ipinatutupad na gun ban ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ay matapos na makapagtala ng 11 naaresto ngayong araw dahil sa paglabag sa gun ban mula sa 12 checkpoints sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nakuha sa mga naaresto ang 12 armas, 1 replica ng baril habang nasa 74 naman ang mga bala.


Pinakamarami sa mga naaresto ay mula sa National Capital Region na may 6, tig-2 mula sa Calabarzon at BARMM, habang tig-1 naman mula sa MIMAROPA at SOCCSKSARGEN.

Sa ngayon, sa kabuuang 27 na ang nahuling gun ban violators nang magsimula ito noong January 9.

Facebook Comments