Mahigit 400 pulis, nadagdag sa mga nagpositibo sa COVID-19

191

Patuloy ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa ulat ng PNP Health Service ngayong Miyerkules, January 12, 2022, nakapagtala ng 444 new cases kaya’t umabot na sa 44,317 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa PNP.

Habang 2,843 ang aktibong kaso o mga nagpapagaling sa virus.


Malapit na nitong maabot ang 3,000 aktibong kaso na pinakamataas na naitala sa pulisya dahil sa Delta variant noong isang taon.

Samantala, umabot na sa 41,349 ang mga gumaling sa sakit matapos madagdagan ng 12 new recoveries.

Nananatili naman sa 125 ang mga binawian ng buhay dahil sa COVID-19.



Facebook Comments