PNP, nakapagtala na ng 31 patay at 21 nawawala sa pananalasa ng Bagyong Ulysses

Nadagdagan pa ang naitatalang nasawi ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paghagupit ng Bagyong Ulysses.

Sa ulat na ipinadala ni PNP Spokesperson Police Colonel Ysmael Yu, 31 indibidwal na ang kanilang naitalang nasawi dahil sa bagyo.

26 naman ang sugatan at 21 ang nawawala.


Kung susumahin, sa bilang na naitalang nasawi ng Armed Forces of the Philippines na 8 at 5 sa Bureau of Fire Protection, aabot na sa 44 ang bilang ng mga nasawi sa paghagupit ng Bagyong Ulysses.

Samantala, batay pa sa huling ulat ng PNP, aabot sa 96,169 families o katumbas ng 351,476 indibidwal ang mga evacuees na ngayon ay nasa 12,707 evacuation centers.

Naka-deploy pa rin ang halos 7,000 pulis para sa search and rescue operations habang may mahigit 1,000 pulis ang itinalaga sa mga evacuation centers para tumulong sa pamamahagi ng food packs at iba pang pangangailangan ng evacuees at para tiyakin ang seguridad ng mga ito.

Facebook Comments