Umabot na sa 447,971 ang naitatalang community quarantine violators ng Joint Task Force COVID-Shield.
Batay sa kanilang datos, nangunguna pa rin ang Luzon sa may pinakamaraming violators na umabot sa mahigit 285,000, sinusundan ng Visayas na mayroong mahigt 99,000 violators at panghuli ang Mindanao na may mahigit 89,000 violators.
Ang bilang na ito ay mula March 17 hanggang October 6, 2020 kung saan patuloy na umiiral ang community quarantine.
Partikular na violation ng mga ito ay ang paglabag sa curfew at hindi pagsunod sa mga health safety protocols.
Pero sa kabuuang bilang ng mga naaresto, 1,521 lang ang nananatiling nakakulong dahil ang iba ay binigyan lang ng warning, pinagmulta at iba ay pinalabas din sa kulungan matapos masampahan ng kaso.