Umabot na sa 682,375 ang mga nahuling community quarantine violators ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield ng Philippine National Police (PNP) mula March 2020 hanggang January 9, 2021.
Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, pinakamaraming naitalang violators sa Luzon na umabot sa 380,966, sinusundan ng Mindanao na may 157,492 at 143,917 naman sa Visayas.
Sinabi pa ni Binag na sa mga violators na ito, mahigit 221,000 ay binigyan lang ng warning, mahigit 300,000 ang pinagmulta at 264 ang nakakulong pa rin.
Patuloy naman ang panawagan ni Binag sa publiko na manatiling sundin ang minimum health standards at quarantine protocols upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Facebook Comments