Naitala ng Philippine National Police (PNP) ang pinakatamaas na bilang ng nagpositibo sa COVID-19 kahapon na umaabot sa 223.
Dahil dito, pumalo na sa 4,785 na pulis ang positibo sa COVID-19 batay sa ulat ng Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO).
96 sa mga nagpostibo ay nakatalaga sa National Operation Support Unit, 61 sa Police Regional Office (PRO) 3, 19 sa National Capital Region Police Office (NCRPO), tig-14 sa National headquarters, PRO-4A, siyam sa National Administrative Support Unit, anim sa PRO-5 at apat sa PRO-6.
Pero good news, dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 3,337 ang gumaling na habang 745 ang ikinokonsiderang probable case at 3,135 ay suspected cases ng COVID-19.
Nanatili naman sa 16 na pulis ang namatay dahil sa COVID-19.