San Juan City Mayor Francis Zamora, target na maging zero COVID-19 na ang lungsod sa Disyembre

46

Inihayag ni San Juan Mayor Francis Zamora na target nito na maging zero COVID-19 case na ang kanilang lungsod sa susunod na buwan.

Ayon kay Zamora, isang magandang indikasyon ang pagbaba sa pitong bilang ng active cases sa lungsod.


Kaya naman ngayong araw ay nasa 75 nalang ang kabuuang bilang ng active cases ng COVID-19 ng naturang lungsod.

Dagdag pa niya, mas marami rin ang bilang ng mga gumaling ngayong araw kung saan mayroon itong 22 na bagong recoveries kumpara sa mga nagkakasakit.

Dahilan para umakyat sa 2,988 ang kabuuang bilang ngayon ng recoveries sa San Juan.

Ngayong araw, umabot na ng 3,148 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa lungsod matapos itong madagdagan ng 15 sa nakalipas na 24 oras.




Facebook Comments