PNP, nakapagtala ng 3 nasawi sa Quezon dahil sa pananalasa ng Bagyong Aghon

Iniulat ng Police Regional Office 4-A na tatlo ang nasawi sa lalawigan ng Quezon bunsod ng pananalasa ng bagyong Aghon.

Sa ulat ni Area Police Command-Southern Luzon Police Lt. Gen. Rhoderick Armamento Commander kay PNP Chief PGen Rommel Marbil, kasama sa mga nasawi ang isang lalaking nadaganan ng bumagsak na puno ng Acacia habang natutulog sa Brgy. Sampaga, San Antonio, Quezon.

Isang lalaking sanggol din ang natagpuan sa katubigan ng Sitio Resettlement, Brgy Ilayang Polo, Pagbilao, Quezon at isang lalaki rin ang nabagsakan ng puno habang natutulog sa Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City.


Sa ngayon, nasa 2,923 na pamilya o katumbas ng 11, 941 na indibidwal ang inilikas sa CALABARZON bunsod ng epekto ng bagyo.

Samantala, patuloy namang bineberipika ng Office of Civil Defense ang ulat hinggil sa mga nasawing indibidwal kung saan patuloy pa nilang hinihintay ang ulat ng OCD 4A cluster.

Facebook Comments