PNP, nakapagtala ng 31 election related incidents

31 election related incidents ang naitatala ng PNP National Election Monitoring and Action Center (NEMAC) sa simula ng campaign period hanggang Mayo a-7.

Sa ulat ni Police General Florencio Ortilla, hepe ng NEMAC,  binubuo ito ng 21 insidente ng pamamaril, 2 pambubugbog, 2 assault, 1 pananakasak, 1 pananampal, 1 pang-ha-harass, 1 strafing incident, 2 pagbabanta, ay isang pagnanakaw na may grave threat.

49 na indibidual naman ang sangkot sa mga insidenteng ito kung saan 14 ang namatay, 14 ang sugatan at nasaktan at 21 ang walang pinsala.


Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac, mas mababa ang bilang sa ngayon ng election related incidents kumpara sa naitalang 106 incidents noong 2016 elections at 94 incidents noong 2013.

Samantala, simula ngayong araw magbibigay ng daily briefings ang NEMAC hanggang sa Martes, isang araw makalipas ang halalan.

Facebook Comments