PNP nakapagtala ng 49 na bagong kaso ng COVID -19

17

Nadagdagan ng 49 na PNP personnel ang nagpositibo sa Coronavirus.

Ito ay batay sa ulat ng PNP Health Service kagabi, kaya naman umabot na sa 9,381 ang kabuuang kaso ng COVID sa buong PNP.


Sa kanilang datos ang 49 na mga PNP personnel na nagpositibo sa COVID-19 ay 16 mula sa National Operation Support Unit, 9 sa NCRPO, tig 6 sa Police Regional Office 1 at 3, tig 3 sa PRO 7, NASU, dalawa mula sa PRO 12 at tig iisa mula sa NHQ, PRO-6, PRO 8 at PRO Cordillera.

Good news naman dahil may 27 na PNP personnel ang gumaling kaya umabot na sa 9008 ang recoveries sa PNP.

Nanatili naman sa 28 ang naitalang namatay tauhan ng PNP dahil sa COVID-19.

Facebook Comments